Kuwento ko lang ang nakita ko kahapon sa mall.
Matagal tagal na rin nang huli akong magpunta sa Cubao kaya naisipan ko kahapon na pumasyal. Kahit gabi na ay nagpunta pa rin ako sa Gateway. Buti na lang bukas pa ang mall at ang mga tindahan kaya puwede pa mag ikot sa loob.
Sa pagpunta ko sa pinakataas na level ng mall ay may nakita akong binatilyo na nakatayo doon sa may bakal malapit sa escalator. Nakasuot siya ng itim na t-shirt, medyo maliit pero maganda ang hubog ng katawan, maputi at para sa akin ay may kaguwapuhan. Gusto ko sana siya lapitan pero sa loob ko baka may hinihintay lang siya. Dahil hindi ko alam kung game ba siya, umalis na rin ako at bumaba na ako sa mga tindahan. Baka masaraduhan na rin kasi ako ng MRT kaya di na rin ako nagtagal.
Kanina ay sinubukan ko na naman dumaan sa Gateway baka sakaling makita ko ulit ang binatilyong nakita ko kahapon. Nang magpunta na naman ako sa pinakataas na level ng mall ay nakita ko na naman siya. Ngayon naman ay nakasuot siya ng gray na t-shirt at maong. Nakatayo ulit siya sa may bakal na malapit sa escalator. Tulad kahapon hindi ko na rin siya nilapitan kasi mukha ngang may hinihintay lang. Umalis na rin ako kaagad para maabutan ko ang MRT.
Pagpunta ko ulit sa mall na ito at makita ko na naman siya batiin ko na kaya?
callboy yan malamang
TumugonBurahin