The blogger does not own the images and videos posted in this site. Images and videos in this site are properties of their respective owners. You may send me a message or comment if you are the owner of these and would want to have them removed.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lalaki. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lalaki. Ipakita ang lahat ng mga post
Lunes, Mayo 13, 2013
Gumigimik ka ba?
Dahil walang pasok ng tatlong araw kaya napadpad na naman ako kahapon sa Gateway. Siyempre nag ikot muna ako sa pinakataas na floor kasi marami akong nakitang cute. Walang nagpaparamdam kaya bumaba na ako sa escalator sa gitna. Nang pababa na ako may binatilyo sa unahan ko habang sakay kami ng escalator. Nauna siya makababa sa food court at napansin kong nilingon niya ako. Sumusulyap sulyap din kasi ako sa kanya kaya siguro lingon din siya sa akin. May kapayatan siya at siguro mga 5'6 ang height. Cute naman din siya. Alam kong nakahalata na siya kaya tumigil na siya sa paglakad at tumayo na lang sa bakal na rail tapat ng Smart. Gusto ko sana lapitan pero wala pa akong lakas ng loob. Tumigil na lang din ako kakaikot at doon naman ako sa tapat ng Taco Bell tumayo. Maya maya ay nilapitan niya na ako at tinanong kung may hinihintay daw ba ako. Sumagot na lang ako ng "oo" dahil may kaba pa. Nagtanong uli siya ngayon naman ay kung gumigimik daw ba ako. Di na ako nakasagot dahil di ko naintindihan kung anong gimik. Matapos nun nagpaalam na ako sa kanya. Bumaba na ako sa mall. Tapos ng ilang minuto bumalik ulit ako sa floor na yun at nakita ko na naman siya. Gusto ko na sana siya kausapin pero nahiya na ako. Baka rin kasi may bayad ang oras niya eh wala naman siya mapala sa akin. Umalis na ako at sumakay ng MRT. Sa susunod na balik ko sana magkita ulit kami.
Linggo, Mayo 5, 2013
Giero of LP
Habang nag iinternet kanina ay nakita ko ang site ng Lalaking Palaban. Ang dami pala nilang models at mukhang interesting sila. Tinignan ko bawat isa baka sakaling may magustuhan akong ifeature. May napili ako at yun ay si Giero. Mukhang simple lang siya, payat, moreno, at guwapo para sa akin. Kasing pogi niya yung binatilyong nakita ko sa Cubao sa nakaraan kong post. Parang gusto ko siya kuhain. Ano kaya services niya at magkano? May nakasubok na ba sa inyo sa kanya? Pakipost naman para may idea ako pag kinuha ko siya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)