Itong kuwentong ito ay kathang isip lamang. Nais ko lamang ituloy ang kwento na ginawa ni Grease Tanker noon na pinost sa Kuwentong Kalibugan website na pinamagatang “Ang Pagbagsak ng Isang Hari”. Para sa mga hindi pa nakabasa ng gawa ni Grease Tanker, maaari niyo itong makita sa http://lalakingmalibog.blogspot.com/2022/06/mula-sa-kuwentong-kalibugan-na-sinulat.html . Para sa mga nakabasa na, ito ang aking naisip na bersyon na karugtong nito. Sana ay magustuhan niyo.
—————————————————
Hindi alam ni King kung ano ang gagawin ngayong wala na ang kanyang ari. Lungkot at sakit ang kanyang nararamdaman. Gustuhin man niyang umuwi sa kanila ay naisip niya na baka malaman ng mga tao ang nangyari sa kanya at pagtatawanan siya ng mga ito. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata sa sobrang pagod na kakaisip ng susunod niyang gagawin at nakatulog siyang muli.
Habnng natutulog siya ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone na kanyang ikinagising. Tumatawag pala ang pinsan niyang si Mark. Si Mark ay ang pinsan niyang kasa-kasama niya mula pagkabata. Tulad ni King, siya ay 27 taon at may itsura. Mas payat nga lang si Mark at mas maliit ng kaunti kaya kala mo ay mas bata siya kay King. Sobra silang close nito na magkasabay sila maligo at magkatabi matulog noong sila ay magkasama pa noon sa probinsya. Nagkahiwalay lamang sila ng nagpunta si Mark sa Maynila nang siya ay makatapos ng college para magtrabaho. Subalit kahit na magkalayo ay hindi sila nawawalan ng komunikasyon.
Sinagot ni King ang cellphone at nagkunwari na parang walang nangyari sa kanya.
King: Hello Mark!
Mark: Hoy King, nasaan ka? Nandito ako sa atin, bakit di ka nagpapakita sa kin ha? Miss pa naman kita pinsan!
King: Mark eh may inaasikaso lang ako kaya wala ako sa bahay. Kailan ka pa dumating? Baka di muna tayo magkita busy kasi ngayon.
Mark: Ah busy ka? Puntahan kita dyan! San ka ba? Kagabi pa ako naghahanap sa iyo dito. Sosorpresahin sana kita kaya hindi ako nagsabi na dadating ako pero wala ka pala. Gusto ko na nga makita ang pogi kong pinsan.
Kahit pabiro ang mga pinagsasasabi ni Mark ay nakaramdam ng konting kilig si King. Crush niya kasi ang pinsan niyang ito mula pa noon.
King: Basta pagkatapos ko dito, puntahan kita diyan sa inyo. Sino nga pala kasama mo diyan sa bahay ngayon?
Mark: Kailan pa yan matatapos? Baka puwede ngayon na tayo magkita mahal kong Hari tulungan na lang kita diyan. Wala pa naman ako kasama dito sa bahay at pangalawang gabi ko na mamaya na wala akong katabi. Kung puwede dito ka na matulog para tabi tayo?
Hindi alam ni King ang sasabihin kay Mark. Mahal na mahal niya ang pinsan niya at excited na rin siya na makita ito pero hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman ang nangyari sa kanya. Gustong gusto niya pagbigyan si Mark at makasama siyang muli sa kama.
Matagal na hindi nakasagot si King. Iniisip kung ano ang mabuti niyang sabihin at gawin.
Mark: O bakit hindi mo na ako sinagot tol? Hindi mo na ba ako gusto makasama? (malungkot na tanong)
King: Ha? Ikaw pa ba? Tatanggi pa ba ako kung ganyan ka-gwapo ang lover ko? Hahaha
Mark: So, san ka na ba pinsan? Sunduin na kita diyan please.
King: Mamayang gabi tawagan kita pag ready na ako. Puwede bang pa-loadan mo muna ako sa cellphone ko bayaran na lang kita mamaya.
Mark: Yes! sa wakas magkikita na tayo ulit! Pa-loadan na kita ngayon wag mo na bayaran. Makasama lang kita sobra sobra na yun! Hintayin ko tawag mo pinsan!
King: Salamat tol! Ba-bye na muna ha.
Mark: Ingat ka diyan! Miss you! Bye!
King: Ikaw din. Bye!
Mark: Miss mo rin ako? Sabi na nga ba hahaha
King: Hindi! sabi ko ingat ka rin! Hahaha
Mark: Umasa pa naman ako (malungkot na tugon)
King: Hahaha siyempre ikaw pa pinsan miss din kita. Wag ka nga umarte diyan!
Mark: Yehey! Hahaha basta mamaya pinsan lagot ka sa ‘kin!
King: Ano gagawin mo sa ‘kin? Hahaha sige na ba-bye na muna parang ayaw na natin ibaba ang phone eh hahaha
Mark: Siyempre tol excited much hahaha sige tapusin mo na yang ginagawa mo baba ko na itong phone. Bye!
Pagkababa ng tawag ay napaisip si King kung ano ang mangyayari pag nakita siyang ganoon ni Mark at paano niya ipapaliwanag ito. Gustuhin man niyang itago ito sa pinsan ay mukhang hindi maaari lalo pa at pumayag na siya na magkita na sila. Kaba, takot at hiya ang nangingibabaw sa kanya sa nalalapit nilang pagkikita.
Tinignan niya ang orasan at magtatanghali na pala. Gutom na si King kaya kinain na niya ang kaunting pagkain na iniwan sa kanya. Hindi niya ramdam ang sakit sa kanyang harapan dahil mas nangibabaw sa kanyang isipan si Mark at sa sobrang pagod kakaisip sa pagkikita nilang mag-pinsan ay nakatulog siyang muli.
Itutuloy…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento