Martes, Setyembre 22, 2020

Tambay sa Cubao

Pauwi ako galing opisina nang maisipan kong mamasyal muna sa Cubao. Gaya ng dati pag gusto ko mapahinga mula sa stress sa opisina dito ako tumatambay para magpalipas ng oras. Ikot ikot lang sa Gateway tapos ay naupo ako sa gilid malapit sa Krispy Kreme. Habang nakaupo ako ay may lumapit sa akin na isang lalaki na maganda ang katawan, moreno at may kagwapuhan. Dahil busy ako sa aking ginagawa hindi ko siya pinansin kahit na gusto ko talaga siya. Maya maya lang ay umalis na siya siguro dahil napansin niya na di ako namanain kahit na ilang beses na niya ako tinitigan at inaakit. Nang matapos ako sa akong ginagawa hinanap ko siya pero huli na ang lahat kasi nakita ko siya may kasama ng iba. Sana magkita muli kami at sa susunod ay makilala ko na siya.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento